Ang mga grilled meats ay may mas mababang bilang ng fat sa dahilang ang fat ay tumutulo habang naluluto ang pagkain. Ito din ay nagsisilbing mantika/oil sa pagluluto nito. Kaya naman mas mababa ang calorie content ng mga pagkaing grilled kaysa fried. Mas mababa ang cholesterol level kaya naman mas mainam sa puso. Mainam ito para maiwasan ang stroke, high blood, o heart disease.
1/2 Kilo Chicken Fillet (breast part and skin removed)
salt and pepper
basil
thyme
rosemary
1 tbps olive oil
Note:Maaring gumamit ng herbs and spices na madaling bilhin sa palengke o di kaya i-marinade ang manok
Paraan ng Pagluluto
1. Lagyan ng salt, pepper, basil, thyme, at rosemary ang manok
2. Pahiran ng oil ang grill pan
3. Ilagay ang Manok
4. Hintayin mag golden brown
5. Ihain.