Isa sa pinakapaboritong lutuing putahe ng mga Pilipino ang Adobo. Bukod sa madaling lutuin, hindi mapagkakaila ang sarap nito lalo na kapag laman at taba ng Baboy ang ginagamit na pangunahing sangkap at kapag inihain kasama ang mainit na kanin.
Ngunit ang baboy ay naglalaman ng mataas na lebel ng saturated fats na kung saan isang factor sa pagkakaroon ng sakit sa puso. Ayon sa mga pagaaral ng ilang eksperto, kung napadami ang saturated fat sa katawan, maari din itong mag resulta sa pagiging Obese o overweight ng isang tao, at ito ay nakakaapekto din hindi lang sa puso kundi narin sa iba pang organs sa ating katawan.
Kung mahilig tayong maglutong Adobo, hindi lang naman Baboy ang pwede nating gawing pangunahing sangkap. Maari din namang gamitin ang Pusit (Squid). Sa katunayan madaming benepisyo ang pagkain ng Pusit. Naglalaman ito ng protina na kinakailangan upang gumana ng maayos ang katawan. Mayroon din itong bitamina b12 na maganda para sa utak at nakakadagdag (enhance) ng memorya. Ayon sa isang nutritional article na aking nabasa, ang pusit ay may lower homocystein sa katawan na kung saaan nakaka baba ng bilang ng stroke at heart attack. Nagbibigay din ito ng bitamina sa ating katawan dahilan ng para panatiliin nito ang sugar levels.
Ang 100g na Pusit ay naglalaman ng halos 92 na calories lamang di tulad ng sa Baboy na halos 170-518 calories (depende sa parte ng Baboy) sa bawat 100g. Sa 100g din ng pusit ay naglalaman lamang ng 358mg kumpara sa Baboy na 1.6g (depende sa parte ng Baboy).
Click here for the recipe